Sana dalawa ang ARI ko…
Disclaimer: puro kalaswaan ito kaya alam kong hindi kita mapipigilang basahin ito. Kung anuman ang mga sinabi ko rito ay maaring bunga lamang ng aking emosyon o malikot na pag-iisip. Baka maiba na ang tingin mo sa akin…nasa sa iyo iyan.
Hello blog!
Kumusta ka naman? Alam kong sa bawat titik na inilalagay ko sa iyo ay isang pagtataya—pagtatayang maaaring mabasa ito ng iba. Malaman nila ang mga iniisip ko ukol sa buhay. Blog, salamat sa pagiging nandyan mo. Sorry kung ginagamit kita para ilabas ang mga emosyon ko. Minsan gusto kitang punuin ng mga pagnanasa at kalibugan—mga kawalanghiyaang minsan ay nagpapadilim ng aking isip. Madalas, binubuhusan kita ng kalungkutan, kaguluhan at kasiyahan. Blog, ikaw ay ako rin at kung anuman ang sinasabi ko, ako't ako din yun PERO hindi lamang ako ikaw.
Oo, kuwentong barbera pa rin. Ako ang barbera at ikaw ang aking kuwento. Patuloy akong gugupit ng mga hibla ng karanasan at magtitirintas ng mga kaisipan at mga nararamdaman. Pocha.
Bigla kong naalala yung isa sa mga tulang tungkol sa pagmamahal na ginawa ko noon pa, na nagtatapos ng, "…kaso lang babae ka at babae rin ako." Naalala ko ito dahil nung isang araw, napaggitnaan ako ng dalawang pares ng lesbian lovers sa dyip. Gusto ko silang intindihin. Gusto kong lawakan ang aking pag-iisip. Wala akong karapatang husgahan sila. Yan ang trip nila. Parang ako, trip ko magyosi. Sira ang baga ko. Posibleng magkaroon din ako ng mabahong hininga at lung cancer.
Eh sila? Tanginang, babae sa babae yan. Alam natin kung saan ipapasok, pero anong ipapasok nila daliri o yung mga tinitinda sa may overpass malapit sa Raon? Ilang posisyon ang kaya nilang gawin? Ano ang gagawin nila kapag may isa sa kanilang gusto nang mabuntis? Magdarasal sa patron ng Ubando na pababain si Mama Mary at bigyan sila ng tips para sa isang divine intervention?Huwat?
Hindi naman kasi ito usapan lang ng paano sila magtatalik eh. Kung meron man akong hinahangaan sa kanilang dalawang pares ay ang kanilang kakayahan panindigan ang anumang kanilang pinasok. Mapagmatyag at mapanghusga ang ating lipunan sa mga ganyang klaseng relasyon; pero sila lingkisan lang to the max. Wala nang kebs sa iisipin ng iba dahil ang importante ay kung ano ang mahalaga sa kanila at iyon ang isa't isa.
Oo na, nakakahanga na! At habang nakaupo sa mundo kong iyon na tila abnormal ang maging babaeng walang kahit anong twist, maraming katanungan ang gumugulo sa aking isip. Alam ba ito ng mga kapamilya nila? Alam ba ng mga kaibigan, kaklase o kalaro nila? Eh ni Manong Guard o kahit ni Dr. Love? Nagchuchukchakan din kaya sila sa anino ng panonood ng sine? Malakas ba ang loob nila dahil wala silang kakilala sa loob ng dyip na kahit na sila ay maglaplapan at maskandalo ang lahat ay ayos lang? At kahit hiritan ko sila ng, "get a room" ang sasabihin lang ng isa sa akin ay "get a lesbian lover" at mapagtatanto kong may punto siya. Nganaman. Inggitera pa ako ngayon.
Ang mga ganitong klaseng pagmamahal? Oo, inuusig. Pero ang pagmamahal ay isang desisyon at kung anuman ang desisyong ginagawa mo, subukin mong sagutin ang mga tanong na ito (ayon nga sa asignatura kong Pilosopiya):
Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay alang-alang sa desisyong iyan?
Kaya mo bang mabuhay kaakibat ng ginawa mong pagpapasya?
Kaya mo bang mapanindigan iyan sas harap ng Diyos?
Halimbawa ang aking pagsisigarilyo. Unang tanong, OO. Pangalawa, OO. Pangatlo, uhmmm… ah eh pass? Magiguilty ako nang sobra, malamang. At dahil dito, alam ko sa aking sarili na may mali sa desisyon ko. All or nothing ito. Hindi tulad ng quiz na mamali ka sa isa, deduction lang mula sa perfect score. Hindi kasi ito quantifiable. Hindi talaga.
Nagkaroon din ng pagkakataong nagkagusto rin ako sa kapwa babae, kaya hindi talaga sobrang malaking dagok ang pagkakaipit ko sa sitwasyong iyon pero naisip kong kahibangan siya dahil paano kung isang araw ay magkatagpo ang aming landas pagkatapos magkaroon ng kanya-kanyang pamilya? Paano ko siya ipakikilala sa mga anak ko? Anak si Tita Yayoh niyo, ex ko. Ipanalangin mo na lamang simula ngayon ay magiging katanggap-tanggap na ito sa lipunan sa panahong may-asawa ka na…
Ano nga pala ang magiging papel niya sa buhay ko pagkatapos ng lahat dahil alam kong hindi talaga kami magniniig bilang isa? Siguro, bastos na bastos ka na noh? Sandali na lang naman. Pa-climax na eh.
Isa sa mga magagandang termino sa wikang Filipino ay ang salitang ARI. May pag-angkin. Ang keps ng babae at etits ng lalaki ay tinatawag na ARI. Ako ay may ARI. Akin lamang ang ARI ko. Hindi ba kasakiman pa ang paghangad ng isa pa? Kapalaran mo ang magkaroon ng ganyang ARI. Sana maintindihan kita. Sana…
No comments:
Post a Comment