Saturday, June 16, 2007

Happy Birthday Angel!!

Naalala ko pa noon, sinabi ng aking lesbo instinct na chic ka talaga noong una pa lang kitang nakita. Katabi mo pa nga nun si Wyndale. Orsem natin yun. Biruin mo, apat na taon na ang nakalipas… Ang dami nang nangyari at eto yung ilan sa mga iyon:

  1. Ang isang semester ng insecurity na nakuha natin kay Madam Motte. (kay Fritz) Hirap talagang maging sexy
  2. Trip to Farmer's kasama ang mga English groupmates natin.
  3. Debut mo.
  4. One-on-one inuman natin nang hindi pa nagla-lunch at wala pang chaser. Haha.
  5. Debut ko.
  6. Naglaro tayo ng Chinese garter, rainbow rock at ten-twenty sa NSTP natin imbes na magturo.hahaha. Halatang laking kalsada. Naalala ko bigla si AC at ang pakikipaglaro niya sa kanilang gate.hahaha
  7. Overnights ko sa inyo.
  8. Movie date natin.
  9. Pambabackstab natin kay alam mo na. hahaha. Pero in fairness, okay naman pala siya. Pero naiilang pa rin ako sa kanyang maging friend talaga.
  10. Ang pagbubunyag.
  11. Ang hindi na mabilang na kuwentuhan natin tungkol sa ating mga puso (at minsan may halong L. hmmm. Love.hahaha)

Kapag nakikita kita ngayon, nasasabi ko sa sarili kong nagbago ka na. Ako rin naman, nagbago na. hehe. Pero ang nakakamangha, hindi kailanman ko pinagsisihan ang mga panahong kasama kita. Nasasakyan mo pa rin lahat ng trip ko sa buhay. Lahat ng kasabugan at kakalugan. Feel ko naman, napabuti talaga ang pag-alis mo sa block dahil nakikita kong nasa mabuti kang kalagayan kasama ang mga taong nagpapasaya sa iyo ngayon.

Salamat sa lahat ng mga alaala at talagang nasasabik na akong madagdagan pa ang mga iyon. Salamat sa pagiging tunay na kaibigan. Salamat sa pagiging anghel ko. Kahapon lang teenager ka tapos ngayon hindi na. hehe. Joke lang. Isang Maligayang Bati sa iyong kaarawan! Andito lang ako, Charmie. Ingat ka lagi at mahal kita. (at ng blocks ZZ1.)

Tuesday, June 12, 2007

Blogs are for Losers

Nonsense thoughts:

Nakakairita naman at hindi ko makukuha yung isa kong major subject due to conflict of schedule. Ang badtrip nung prof. Pinalipat niya lahat ng class niya from T-Th to MWF na nagconflict sa dalawa ko pang majors. Badtrip talaga. Alam mo yung feeling na sobrang pagod na pagod ka na kakaisip ng paraan kung paano makakapasok sa class na iyon pero hindi rin pala possible. Nakakahiya pa nga kasi kinulit ko yung ibang walang conflict na mag-free ng isang time sched na common sa lahat. Useless din pala.

Hindi bale. Naalala ko tuloy, kinukuwento ng isa kong kaibigan na may nakapagsabi sa kanya na ang blogs daw ay para sa mga losers. Siyempre, nakakataas ng dugo. Nakakairita talaga. Hindi ko maiwasang magreact sa mga ganung klaseng komento. Pero kung iisipin, may pinanggagalingan siya at opinyon nya yun. Hindi sa gusto ko siyang kontrahin o kumbinsihin na gumawa na rin ng kanyang blog account, pinag-isip niya ako kung bakit ba ako nagba-blog.

Isa sa mga rason kung bakit nya nasabi na para sa mga talunan ang blog ay dahil sa hindi niya maintindihan kung bakit kailangang ipangalandakan sa buong mundo ang iba't ibang emosyon ng mga manunulat—pagkainis sa isang tao, pagkabigo sa pag-ibig, pagkakuha ng mataas na marka at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung ano talaga ang sinabi pa niya dahil kuwento na lang ito ng naiinis kong kaibigan na nagba-blog.

Bakit ba ako nagblog?

Una, talagang dahilan nito ay gusto kong makisabay sa uso. Haha pero teka lang. Wala naman akong friendster kasi hindi ko gusto yung konsepto nito dahil nayuyurakan ang salitang kaibigan. Naiirita ako kapag naririnig ko yung mga kaklase nung high school kapag sinasabi nila, "Uy, friend na ba kita? Kung hindi pa, add mo ako ha?" Wala lang. Parang nakakagago siya eh. Nagustuhan ko yung blogger dahil mahilig akong magkuwento. Mahilig akong magkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Oo, part ito ng pagiging egocentric ko. Sa blog kasi ako yung bida. Ako yung nagse-share. Walang sisingit sa istorya mo o mambabara. Kontrolado mo ang mga salita.

Pangalawa, ang malaking pagkakaiba nito sa diary ay nababasa ito ng maraming tao at kung tutuusin ay maaari itong mabasa ng lahat. Alam naman ito ng mga nagba-blog. (Ewan ko ba kung bakit may mga iba na may mga secret blogs pa eh mababasa at mababasa rin naman ito ng mga tao. Bakit hindi nalang kayo magdiary na may lock?hahaha) oo, tungkol sa sarili ko ang mga nakasulat dito at bahagi talaga ng sarili ko ang blog pero intensyon ko talagang mabasa ito ng iba. Pangarap ko kasing maging manunulat. Ang drama naman. Sa kurso ko, hindi ako pinahihintulutan nitong tupdin ang pangarap ko. Wala kasi si Pichay dun. Haha. Corny. Sa pagbabasa mo ng blog ko, tinutupad mo ang pangarap ko.Naks may ganun pa. Dahil ang isang sulatin kapag hindi nabasa ng iba ay parang hindi na rin naisulat.

Pangatlo, nakatutulong ang blog ko sa aking pagmumuni-muni sa mga karanasan ko sa buhay. Bukod pa roon, naibabahagi ko ito sa iba. Maaaring may mapulot kayong maganda o masama sa aking mga entries na makatutulong o makagugulo sa iyong isip. Ewan. Hindi ko na mapalawig pa eh.

Huli, nakikibasa ka lang—ika nga ni Soul Karen sa kanyang blog. Grabe naman kung may ganun nang paghuhusga. Malaki ang sinasabi ng blog sa kung paano mag-isip ang isang tao. Kung paano niya pinipili ang kanyang mga salita gayundin ang mga paksang kanyang sinusulat. Kung tutuusin, hindi mo talaga mailalagay lahat ng emosyon at karanasan mo sa isang entry kahit araw-araw ka pang nagsusulat sa blog mo eh. Hindi mo naman isasama yung karanasan mo habang jumejebs kaysa sa kilig na naramdaman mo nang nakita mo si Chris Tiu o kung sinumang Pontio Pilato. May pagpili ng ipakikitang sarili mula sa manunulat—maaaring totoo ito o likhang isip lang din niya. Pero hindi mo kaagad masasabi kung sino talaga ang isang tao sa pamamagitan lang ng kanyang blog. Kaya bakit mo siya mahuhusgahan na isang talunan? Kaya ako nagba-blog dahil pagkilala ko rin ito kung sino ako at ang hindi ako. Eto yung bahagi ng pagba-blog na tanging ang mga nagsusulat lamang ang nakatatanto nito.

Ano ba ang pagiging talunan?

Siguro kaya may ganitong mga negatibong reaksyon dahil may iba-ibang pangangahulugan ng talunan. Marahil, ang pagiging talunan sa kanila ay ang pagiging bukas sa emosyon. Yung mga taong ibinebenta ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng blog. Mga taong kulang sa atensyon. Mga taong walang kaibigan para pagbuhusan ng mga emosyong nararamdaman. Mga taong sa pamamagitan ng blog nakararamdam ng silbi sa buhay.

Paano ko ba binibigyang-kahulugan ang pagiging talunan?

Ang pagiging talunan ay pagsuko sa mga kabiguan. Naks gaganun pa ako. Pero, seryoso. Hindi ba ang paggawa ng blog ay hindi pagsuko mula sa kakulangan mo ng paghihingahan ng mga sama ng loob at emosyon? Basta parang ganun. Ayan, pagod na akong magpumilit na maging sensible. Haha. Kaya sa mga taong nagsasabing talunan ang mga blog, isang mahalagang tanong para sa iyo: Nagba-blog ka ba? Kasi kung hindi, paano mo nalamang talunan ang mga nagba-blog? Marahil hindi mo kilala sila Yol Jamendang, Jope Guevara, Tish Agarrado, Randy Caponga, Mark Benedict Lim, Chi Billones at kung sino-sino pa. Kasi mga kaibigan ko yun at guro . eh baka hindi mo naman talaga ako kilala .haha. Pero tanga nalang makapagsasabing ang mga taong ito ay talunan. Hehe. Lakas ba?

Wednesday, June 06, 2007

An internet chain game

An internet chain game

..Each player of this game [?] starts with 6 weird things about him. People who get tagged need to write in their blog 6 weird things. In the end, choose 6 people to be tagged. List their names, of course. Don’t forget to inform them.

Miles tagged me.

And so, here it is.

Anim na Kakatuwang(o maaaring Nakakikilabot) Bagay tungkol kay Ekai Ticong

1. Si Ekai ay may pangarap na masagasaan, masaksak o mabaril pero hindi naman para mamatay kung hindi para sa karanasan ng sakit na dulot nito. Puwede nang masokista.haha.

2. Si Ekai ay parang ahas ayon na rin sa kanyang Nanay dahil kung saan-saang parte ng bahay matatagpuan ang kanyang mga gamit, papel at kung anu-ano pa.

3. Si Ekai ay duwag talaga! haha. weird ba yun? siguro, oo kasi kakatuwang isipin na ang isang taong hindi umuurong sa mga dares at challenges (gaya ng makipagkilala sa mall, magpasindi ng yosi sa gas station, mag-gown sa Gateway, magpanggap na nakikipagtanan sa MRT, mag-123 sa jeep at marami pang kalokohan) ay takot talaga pagdating sa mga pagsubok sa buhay gaya ng pagbagsak sa mga pagsusulit at pagkabigo ng puso.

4. Si Ekai ay taong ayaw na ayaw sa amoy ng tanglad (lemon grass) yung nilalagay sa lechon at kung saan saan pang ulam. Gayundin sa pandan. Dalawang pasko na niya ang nasira. Una, dahil sa tanglad at yung isa naman ay dahil sa pandan.

5. Si Ekai ay may mas maraming crush na babae kay sa lalaki. Haha. Mas madali niyang naaappreciate ang ganda ng babae kaysa kaguwapuhan ng lalaki.

6. Si Ekai ay orally fixated. She doesn't want to elaborate on this part.

Kayo naman: Ederlyn, Chona Mae, Juniper, Leopert at Loreta. haha. Gusto ko sana silang i-inform Miles kaya lang mukhang di sila nagba-blog ata...hehehe

Monday, June 04, 2007

Bilanggo

Bilanggo
Oh ayan ang title para sa iyo. Hindi ba sabi mo sa next post ko eto ang title ko? Maganda sanang palawigin ang salitang ito pero next time na lang. haha.
Nga pala, Hunyo na. Sa susunod na buwan, Hulyo na. Maghihintay ako hanggang Pebrero. Pangako. Ang emosyon flactuating yan pero ang nararamdaman ay may sinusunod ngang disiplina. Ayon nga yan kay Sir Jope. hahaha. Hindi ko alam kung defense mechanism ko na lang ito (Rationalization: ayon nga kay Sir Tojie).
Kasi ikaw eh, late ka na dumating eh di sana todo bonding at update yung ginawa nating dalawa. Na-realize ko, namiss pala kita. Tuloy pinagtatanong mo ako kung bakit nga ba nahantong sa wala?
Oo, epitome na nga ata ako ng sakit. Name the pain, may stock ako ng karanasan dyan. hahaha. ang loser ba? hahaha. Pero wag kang gumaya sa akin, isang kapalaran pa lang yung sa akin. Maraming paraan para harapin ang problemang yan. Huwag mo nang tahakin ang daang sawi, okay?
Ingat ka ha? Ang astig nung one-night chorva natin. Ang sarap talagang maglabas ng sama ng loob at takot sa taong kebs naman talaga. Alam mo yun? Haha. basta. Ingat ka dyan, text away lang ako.
Tama ka sa nararamdaman mo, nasasaktan na ako. Madaling magbigay ng payo pero hindi ikaw ako at hindi ko maibahagi itong nararamdaman ko talaga...
Nga pala, uy pasalubong ko? amf. sorry. Madalas, abala ako sa maraming bagay kaya hindi ko magawang tumigil at makipagkuwentuhan.
Ibe-break ko ang 7 sticks mo per day!! bwahahaha. nakaka- 6 na ako. Hehehe. Enjoy ako pag kasama ka. totoo yun...
Deception na naman mula sa akin? Sensya. napapagod din ako.
Sensya, di ko magawa wala akong USB! amf... excuses ko talaga.. Try ko later talaga. :'(
Hanggang sa muli, Blog!!