Tuesday, July 24, 2007

Horoscope for this day

Naaaliw ako sa horoscope. Ewan ko ba. Isa siguro sa mga bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa akin ay ang pagsu-subscribe ko sa daily horoscope sa yahoo. Hahaha. At ayon dito ang aking kapalaran para sa araw na ito:

An ex is back on the scene, and you might feel your heart singing a familiar tune. Be careful -- even if you feel more romantic about them than you ever did before, it could be hope or idealism that is guiding your feelings. Give yourself time to get used to them being back on the scene, and do not make any attempt to spend more time with them in a planned way. If you see them again, you see them again. Don't try to steer this thing -- it won't go where you want it to.

Unang tanong, sino sa kanila? Hahaha. Pakiramdam ko ay may koneksyon ito sa napanaginipan ko (kumusta naman ang pagiging Madam Ekai ko. Madam Auring, back off! hehe) yung tinutukoy nyang "hope or idealism." Akala ko sobrang okay na ako. Yung tipong kebs na sa nangyayari sa aking buhay at buhay ng aking mga nakaraan. Akala ko ay ganun na nga pero hindi pa pala.

Nagkasalubong daw kami ni EX at kasama niya ang kanyang mga friends. Pababa ako nun sa isang familiar na hagdanan (na matatagpuan sa dati kong elementary school. Panaginip nga naman ang weird.) Tapos, siya paakyat. Nang makalagpas na raw itong si EX ay bigla na lamang niya akong tinawag at nag-iba ng direksyon. Sinabayan niya akong maglakad habang tinatanong kung saan ako papunta.

Fortunately, ang daang iyon ay konektado sa CTC. Sabi ko magkaklase ako sa CTC 219 (kung saan nasunog yung AVR).

Sabi niya, hatid na niya ako. Tapos, nag-usap kami tungkol sa mga nangyari sa amin. Kasama na ang lahat ng kalabuan at ang mga third parties involved.

Nagulat na lamang ako nang magkahawak-kamay na kami at tila nakapangako sa isa't isang hindi na muling magkakahiwalay. Siyempre, masaya ako dahil okay na kami ulit sa panaginip ko. Yun nga lang, sobrang ayaw kong makita kami ng blockmates ko (for some strange reasons e.g. sasabihan nila akong "oh sino na naman yan? Lagi mo na lang kaming ginugulat sa mga lalaki mo…")

Tapos paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko nung kasama ko siya, kahit na masayang masaya ako nun, na "ekai, magpigil ka. Huwag ka basta magtiwala. Mahirap na. Alam mo namang mahina ka't shonga-shonga.." In fairness, may katinuan pa rin akong ginagawa sa aking panaginip. Ehehehe. Tapos nagising na ako.

Dreams are repressed feelings and desires. Akalain mong inaasam ko pa palang maging maayos tayo sa tagal ng panaho nang lumipas. Imposibleng magkita tayo. Simple lang. Hindi mo makikita ang taong ayaw magpakita. At ayaw kitang makita.

Para lamang ibahagi ang ilan sa pinag-usapan namin ni Chester na ikinapuyat ko bago mag-erya sa Balanti:

ekai_ticong (1:35:00 AM): natatakot kasi ako na mainvolve sa kahit na sino sa block

razer789 (1:35:05 AM): :))

razer789 (1:35:08 AM): good job

Hay… laging tanong sa akin ng mga taong nakakaalam na mag-isa lang akong babae sa aming CoE batch, hindi ka ba naiilang dahil lahat sila lalaki? Sanayan na lang. At kung dumating man ang panahong magpakasal na kami ni David, imbitado kayong lahat. Uy, david peace. Iba ang gusto kong pakasalan. Sana gusto rin niya akong pakasalan. Hahahaha.

Tama na nga. Pagmamahal na naman ang pinag-uusapan. Walang panahon.

Hahaha.

No comments: