Tuesday, August 21, 2007

Walong Impormasyon ukol kay Ekai

tagged by Daryl

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -

THE RULES:

Post these rules first:
*each blogger starts with 8 random facts/habits about themselves.
*bloggers that are tagged need to write on their own blog about their own 8 things and post these rules.
*at the end of your blog entry, you need to choose 8 people to get tagged and list their names.
*don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Mga Impormasyon tungkol sa akin!!
1. Ayoko ng closure. Yung tipong kapag nagkaaway tayo, ayaw kong mag-usap tayo agad after ng away (at nagalit talaga ako sa iyo nang sobra) dahil lalo lang lalala yung galit ko sa iyo. Gusto ko kapag nag-usap tayo yung tipong matatawanan ko na ang mga nangyari. ehehe

2. I smoke.but not pot.

3. Hindi ako nakakaalis ng kama ko nang hindi ito maayos.. Ayaw ko ng magulo ito.

4. Paborito kong kulay ang kahel at dilaw. Pero sa bahay dahil ako nga ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid, may pag-aassume na ang paborito ko ay kulay rosas (pink). Kaya naman ang kurtina ng kuwarto at aking kama ay kulay rosas. Isama na rin ang aking tuwalya at mangilan-ngilang salawal.

5. Ako ay isang tri-sexual. hahaha. benta talaga sa akin ito. Kaya simula ngayon, tri-sexual na ako (plants excluded)

6. Kayang patigilin ni Tinker ang aking mundo.

7. Nung na-confine ako sa hospital at walang nagbabantay sa akin, nahuli ako ng nurse (at ang mga kasama niyang intern) na kinakausap ang aking puppet na iniregalo ng aking Soul na si Lean. Akala ko ililipat ako sa psychiatric ward nun buti hindi.hehehe.

8. May nanliligaw sa aking 8 years old. Grabe talaga ito. Kapitbahay namin siya. Sobrang bait at galang niyang bata. Akalain mong nagawa na niyang makipagmeet-the-brothers sa aking mga utol na kinatakutan ng aking mga nakaraan at kinatatakutan ng aking mga kaibigang lalaki.hehehe. Don't worry pag-iisipan kong mabuti bago ko siya sagutin. hahaha

At aking tina-tag sina:
Miles Domingo
Jed Alegado
Karla Mesina
Charmie Lising
Andrew Angeles
Jan Rico
Jiro Cruz
Ady Seastres


No comments: