Tuesday, January 25, 2011

Sana Di Na Naman

Lord,
When I said that I was tired loving someone, You let our paths crossed again. I don't know if You have sent already the one suited for me or all You want me to know is never give up and stop loving. I love You that's why I'll trust again, Lord. I'll love again and risk my battered heart. I'll follow Your path. I'll continue to listen to You.

Guide us that we may be true to our commitment.

***
Sabi ko, ayaw ko na talaga at ayaw ko na talagang magsulat tungkol dito. Pagod na kasi ako masaktan at takot na rin ako. Ewan ko ba.. Pero susugal ako. Lord, last na ito. Gagalingan ko na po. I'll follow the rules. Nang tinanong ko sya kung matatanggap nya lahat lahat ng ako, eto ang kantang ito ang sagot nya sa akin.



Gusto kitang mahalin hindi dahil sa mabait ka lamang. Kung hindi, naniniwala akong mabuti kang tao. Handa mo akong panindigan sa ano pa mang paraan. Dadahan-dahanin natin ang lahat. Salamat kasi sa gitna ng kalungkutan ko at halos Siya na lang ang nakauusap ko, dumating ka at minahal ako.

***
May trabaho na ako. math question setter. hahaha.pwede na..
Can't wait for February to come. Lots of reconciliation and love will happen on this month

Monday, January 17, 2011

Note to Self

Keep on track.

Ang hirap madistract ng emosyon lalo na sa nangungulilang puso.hehe. Pero so far, kaya ko naman pang i-handle ang nararamdaman ko kaya wala pa dapat masyadong ipag-alala. Tutal, nabubuhay pa rin naman ang lahat sa aking imahinasyon lamang. Wala pang pagsasakongkreto.
Hindi ako nakakasulat nitong mga nakaraang araw sa daming pinagkakaabalahan.

Dumating si kuya at sa pagdating nya may kasama syang laptop. Eto nakakapagnet na ako sa baba at di na kailangang magsumiksik sa sulok sa itaas para magamit ang desktop.

Okay naman ang loading business ko kaya lang nagkandagulo gulo yung pera ko. at syempre di maiwasang mainis sa hindi nagbabayad na paload lang nang paload. hahaha

Sinubok ko rin ang processed meat business kaya lang isang malaking sugal ito na tingin ko natalo ako. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag. Di bale, natuto na ako. Kailangan kong sundin ang aking mga plano at hindi kung ano ang gusto ko sa ngayon. Ang aking mga plano ay may basbas Nya kaya hindi ako basta basta mapapariwara.

Naghahanap din ako ng online jobs. Sa ngayon, wala pa pero hindi ako basta-basta susuko. Kailangan kong makahanap ng trabaho na dito lang sa bahay at may okay na suweldo para hindi ako mapalayo kay Jio at makaipon ako ng ipangnenegosyo ko pa.

Guide me Lord to be on track always.

Tuesday, January 11, 2011

BUSY

Just started some small scale businesses to keep myself busy.
My brother will arrive soon.
I am excited.
and tired.

Hope I can someday sit down and blog and blog and blog. When my businesses are all settled, I know I will. :-D

Saturday, January 08, 2011

Sa Mga Kaibigan ni Mama Susan

Hindi ko kayo aawayin. Promise.

Wednesday, January 05, 2011

Thank You

Thank you to all people who never fail to make me smile. :-D
Love you all.

****
Nanonood ako ng Willing Willie. I hate Willie.BEFORE.

Ewan ko pero ngayon, sobrang gusto ko na sya. Dati, akala ko ginagamit nya yung mga tao para sa pansarili nyang kasikatan. I just realize that he has no choice but to always extend his hands to reach out for those people who think that he is their only hope to alleviate from poverty and ease their pain from the cruelties of the world.

Kaya sa kumakalaban sa kanya, sana tigilan nyo na sya. Baka kaya nyo lang ginagawang pigilan sya kasi gusto nyong pigilan pagtaas ng rating ng show nya kasabay ng pagbulusok ng sa inyo. Stop doing nasty business. You gave me more reasons to hate you.

Before I don't understand where his gusto's coming from. Pero kapag malinis ang hangarin mo talagang tumulong, walang unos ang basta-basta magpapabagsak sa iyo. Hope Willing Willie will continue to inspire lives. With the great management of TV5, Willie's show is finally at home.

Monday, January 03, 2011

Resume of Classes

Apparently I was too tired to wake up early. Buti nalang kinulit ni Mama si Babes na gumising at may mga after-food pa kami from New Year Celebration gaya ng hamon kaya may breakfast siya.

Jio's 5th month. Forgot to prepare something. Kasi dami dami ng mga events na kainan from the past two weeks.Sana mawala na sipon nya.

Naligo ako na ang tubig sobrang lamig. Parang naliligo sa ulan yung lamig na lumalabas sa shower. Ang sarap.

Sana makapasok na si Doodz at umayos na pakiramdam nya. Sana magising ako nang maaga para makapagprepare ng breakfast for Babes.

Dumating pala si Kuya Egay dito. My kuya brian's best bud. Bihira na lang kami magkita kaya it's nice to know that he's doing fine.
***
Still, trying to compose my thoughts regarding my future project. People I need to talk and consult to make this project possible. I know this is God's will and I know that He is calling me now. :-D

Sunday, January 02, 2011

Welcome 2011!

Ngayon, may gusto akong gawin. Inspired by my theo141 prof na si Bobby Guev. Sa isang klase namin sabi nya, "Live Simply so others may simply live." Naalala ko nung last oral exam ko sa kanya, tinanong nya ako kung may pera ba ako, bibili ako ng Jaguar. Sinagot ko sa kanya, "opo basta yung pera ko pinaghirapan ko at wala akong natapakang ibang tao sa pagkakaroon ng pera pambili ng Jaguar."

Tingin ko, sa loob-loob nya, na-disappoint sya sa akin at sa iba pang mga mag-aaral na sumagot ng gaya nung sa akin. Kung itatanong sa akin muli iyon, "depende" ang isasagot ko.
Oo kung ang Jaguar ay kailangan ko talaga (tanging sasakyan na naaangkop sa paraan ng aking paggamit ng sasakyan).
Hindi kung isa itong luho.

Gusto kong simulan ang proyektong "Ka-baranggay ko, Sagot ko" Di ko pa gaanong nai-paplantsa ang planong ito pero sisikapin kong maging tangible ito ngayong taon na ito. Eto ang major project ko sa taong 2011. Sa lahat ng makababasa ng pahinang ito, sana ipagdasal nyo ako.

****
Kahapon inatake ako ng gastritis sa sobrang dami kong nakain na Red Ribbon's chocolate haven sa bahay ng tita ko. ansarap talaga kaya lang dapat in small amounts ang consumption.

Tapos, kagabi nagkaroon kami ni George ng ex-LQ.hahaha. nakakatawa kasi talagang nagtatalo kami sa isang incident sa relasyon namin dati na parang kahapon lang nangyari at parang kami pa. Weird talaga sya tapos weird din ako.kaya weird talaga kaming dalawa kapag nagsama.