Ngayon, may gusto akong gawin. Inspired by my theo141 prof na si Bobby Guev. Sa isang klase namin sabi nya, "Live Simply so others may simply live." Naalala ko nung last oral exam ko sa kanya, tinanong nya ako kung may pera ba ako, bibili ako ng Jaguar. Sinagot ko sa kanya, "opo basta yung pera ko pinaghirapan ko at wala akong natapakang ibang tao sa pagkakaroon ng pera pambili ng Jaguar."
Tingin ko, sa loob-loob nya, na-disappoint sya sa akin at sa iba pang mga mag-aaral na sumagot ng gaya nung sa akin. Kung itatanong sa akin muli iyon, "depende" ang isasagot ko.
Oo kung ang Jaguar ay kailangan ko talaga (tanging sasakyan na naaangkop sa paraan ng aking paggamit ng sasakyan).
Hindi kung isa itong luho.
Gusto kong simulan ang proyektong "Ka-baranggay ko, Sagot ko" Di ko pa gaanong nai-paplantsa ang planong ito pero sisikapin kong maging tangible ito ngayong taon na ito. Eto ang major project ko sa taong 2011. Sa lahat ng makababasa ng pahinang ito, sana ipagdasal nyo ako.
****
Kahapon inatake ako ng gastritis sa sobrang dami kong nakain na Red Ribbon's chocolate haven sa bahay ng tita ko. ansarap talaga kaya lang dapat in small amounts ang consumption.
Tapos, kagabi nagkaroon kami ni George ng ex-LQ.hahaha. nakakatawa kasi talagang nagtatalo kami sa isang incident sa relasyon namin dati na parang kahapon lang nangyari at parang kami pa. Weird talaga sya tapos weird din ako.kaya weird talaga kaming dalawa kapag nagsama.
No comments:
Post a Comment