Kahapon Pasko. Na-feel mo ba? Sa totoo lang hindi. Grabe ang hirap magsaya’t makalimot. Ang hirap nang tumakas sa mga problema.
Naisip ko lang kung babalikan natin ang nativity scene. Nung pinanganak si Hesus, pinaramdam ng buong mundong hindi siya welcome dito. Sa sabsaban ka ba naman ipanganak! Ambaho nun di ba? Kasama mo mga hayop! Grabehan… Ang tunay na esensya ng Pasko ay natabunan na ng iba’t ibang simbolismo. Santa Clause. Mistletoe. Candy cane. Christmas tree. Parol. Regalo. Caroling. At kung anu-ano pang ka-churvahan. Masaba ito? Hindi naman. Ang saya nga dib a? Kaso lang ang Pasko naman ay hindi lang tungkol sa kasiyahan. Ito ay isang paggunita. Paggunita ng kapanganakan ni Hesus. Dapat birthday ang theme okay? Hay…Labo.
NGAYONG NAGDAANG PASKO:
Nagawa kong kumain ng buko pandan!! Kasalanan ito. Masuka suka na ako pero ninang ko kasi yung nagbigay ang hirap tumanggi. FYI: ayoko ng amoy ng pandan eh.hehe. saka tanglad, kaya naman hindi ako kumakain ng lechon.
Nanood ako ng Shake, Rattle and Roll 8. Benta. Sulit naman kasi tatlong kuwento kumpara sa isa lang di ba?
Bumili ako ng Monami pen. Yung iba’t ibang kulay na may mga designated aso kada kulay.
Nakakain ng tatlong klaseng spaghetti. Classic, White sauce at Seafood. Grabe tumaba na naman ako.
Syempre, uminom. One on one kami ng girlfriend ng kuya Mark ko, si Ate Karen. Like duh? Tigdalawang bote lang kami ng SanMig light. The perfect blend between right and light.
Niregaluhan ko ang ultimate Ninang ko ng Dan Brown’s Angels and Demons. Mahilig kasi siya sa mga libro. Ang laki ko na kaya siya naman ang pinamaskuhan ko.
Nabili ko yung gusto kong bilhin sa bench. Ano yun? sikretong malupit.
Nakasama ko nang matagal ang aking sarili.
Para magmuni-muni.
Makapag-isip-isip.
Nang mabuti.
Wednesday, December 27, 2006
Friday, December 15, 2006
Sa mata ko...
Ang dami kong gustong isulat. Tungkol sa akin, sa aking pag-aaral, sa aking organisasyon at sa ating lipunan. Ang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero nakukulong ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano lalabas. Ang nakatatakot ay hindi ako natatakot sa pagtatanga kong ito.
Ngayong linggong ito, may mga bagay akong natutunan. Ang sarap pa lang sumigaw. Ang gaan nung pakiramdam ng marami kang kasama sa mga ipinaglalaban. Hindi ka nag-iisa. Alam ko na ang dahilan kung bakit maraming estudyante ang aktibong sumasali sa mga mobilisasyon. kung bakit hindi sila natatakot kahit buhay nila ang nakataya. kung bakit sinusunog ang mga effigy. kung anong klaseng dismaya at pagkakuntento sa tuwing sila ay lumalabas sa mga kalye at binubulyawan ang Bayang magising sa mga pagkakahimbing niya. Kahit siguro ikuwento ko yung buo kong karanasan, hindi ko pa rin talaga masasabi ang mahalaga. Mas nangungusap ang mga karanasan.
Nauuhaw ako sa kagustuhang lumublob pa lalo sa kanilang mundo. Tanong ng iba: magiging aktibista ka na ba? Ang pagiging aktibista ay hindi lamang nakukulong sa pagsigaw sa kalye. Maraming klase ng protesta. Ang sigurado ko ngayon. Mas matatag na akong panghawakan at ipaglaban kahit na patayan pa ang aking mga pinaniniwalaang prinisipyo.

Wednesday, December 06, 2006
Extreme!!!
Ang extreme ng araw na ito. Umiyak, nagalit, umamo, kinilig, natawa, natuwa, naasar, nagsinungaling, naging tapat, nakinig, inantok, napagod, nangamba, natakot at na-in love ako ngayong araw na ito. Kung paano nangyari iyon, hindi ko na maalala. Grabe.
Ang hirap intindihin ng isang araw sa buhay mo. Minsan, pakiramdam mo ang bilis-bilis ng oras lalo na kapag sumasagot ka ng pagsusulit. Minsan naman parang ang bagal-bagal ng takbo nito kung ikaw ay naghihintay sa paparating na tren sa LRT2 o nag-aabang ng paparahing dyip. May mga araw na nasalo mo lahat ng kamalasan at may pagkakataon namang daig mo pa ang may bitbit na bagua at agimat sa dami ng suwerteng natanggap mo sa araw na iyon. Ang labo no? Dahil sa mga kalabuang ito, ang sarap mabuhay na hindi.
Puwedeng mangyari ang lahat lahat sa iyo sa loob ng isang araw at puwede rin namang tumunganga ka lang buong maghapon. Extremes no?
Sabi nga ni Manny Pacquiao, [if I quoted him right] “Extrem, extrem, magic sing.” Extrem nga naman.

Sunday, December 03, 2006
Patol
ewan ko ba! Ngayong araw na ito, badtrip ako sa salitang iyon patol.
eh ano naman kung hindi patulan ng iba yung dahilan ng pagseselos ko.Ang dating kasi sa akin, parang ang baba ng nibel niya at tawing mga kanibel lang niya na gaya ang papatulan niya. Tapos nung sinabi ko sa iyo kung sino ang napupusuan ko, sabi mo hindi ako papatulan nun.
pinagkakatiwalaan kita pero ngayon ko lang naisip na sana hindi na lang ako nagbukas sa iyo kasi hindi mo naman ako talaga naiintindihan. Sayang, hangang hanga pa naman ako sa iyo kasi ang malalim kang tao, malawak ang abot-tanaw. Napansin ko lang nung nagkukuwento pa lang ako ang kitid na ng pag-iisip mo. Badtrip yun. Seryoso. Hayaan mo, huli na yun.

Subscribe to:
Posts (Atom)