Kapag tanghali at gising ang aking diwa, nakakapanood ako ng "Ang Joke ko!" sa Eat bulaga. At bago pa man magkaroon ng ganitong portion sa variety show na ito, may "wala ka sa lolo ko" joke na.
Lahat na yata ng Pilipino, kinamulatan ang joke na ito. Ka-level niya ang mga Alamat at epiko na hindi alam kung saan nag-ugat at nagsimulang sumibol. Matagal na ito sa phone ko pero gusto ko lang i-share kasi isa sa "wala ka sa lolo ko" joke sa pinakamatandang uri ng komedya sa ating bansa na nagpapakita ng kulturang nagbibigkis sa iba't ibang panahon at henerasyon.(weh.)
Boy1: Ang lolo ko 80 na, sumasali pa sa tagay!
Boy2: wala kyo s Lolo ko, 82 na, nagba-bar pa!
(Boy3 nagring ang cellphone)
Boy3: Lo, Sige po. Ingat
Boy1 & Boy2: sino yun?
Boy3: Lolo ko. Nag-aaya...
DOTA daw kami. :-P
Nagawang pagbigkisin ang teknolohiya at katatawanan. Ang DOTa ay isang uri ng laro sa computer. Pinakita rin ng pag-uusap na ito ang kultura ng bagong kabataan--umiinom, nagbabar at may cellphone. At ang mga gawain na ito ay kakatuwang makitang ginagawa pa rin ng matatanda.
Ngunit, gaya ng balangkas ng joke na ito. Sinusunod pa rin nito, ang hindi lantarang tuntunin ng isang "wala ka sa lolo kong joke." Buhatan ng bangko. Di maaaring dalawa lamang ang nag-uusap. Kailangan ng pangatlong tao. Kailangan ng pinaka. Sa ganitong porma, palagi at hindi puwedeng hindi ang pangatlo o huling magmamayabang ang magbibitaw ng nakakatawang linya.
Tunay ngang, kahit sa mga maliliit at mababaw na bagay gaya ng nakasanayan na nating biruan kakikitaan ng kaibahan ang ating kulturang kinalakhan.
hehehe. bored lang ako. Akalain mong puwedeng bigyang pakahulugan ang mga ganitong mga bagay. harhar
Thursday, March 27, 2008
Tuesday, March 25, 2008
Bloggable.
Dahil sa ako yung pinakainosente in terms of working experience, madalas, I always act so childish sa team namin. hehe. yung tipong kinikilig pa and stuff. As how I've said it to my trainer, what had happened early this morning is truly bloggable. Hahaha.
I had this, first-day-encounter crush. As in first day of training, I really had a huge crush on him. Kasi ganito yun, bago lang kami at di namin alam kung saan ang cr kaya naman para kaming ewan na naghahanap nun hanggang mapadpad kami sa isang room na may pinto rin pala papuntang cr. Pero di namin na kailangang dumaan pa doon talaga para lang makaihi o whatever. Tapos may napagtanungan kami at unang kita ko palang sa kanya, crush ko na siya. Kaya naman, todo observe ako para malaman kung sino sya. Nakita ko sa desk nya na ang pangalan niya ay Rich.
Nasa to-do list ko nang dapat ay makilala ko siya. Eh sa kadaldalan ko, nabanggit ko sa traner ko na si Shey na crush ko nga siya. At syempre gumawa sila (together with Diana) ng paraan para mameet ko nga siya.
Three weeks after, which is today, finally nakilala ko na siya formally. hahaha.
Ganito ang blow-by-blow incident:
15-minute break namin at kami ay nasa lung center nun (yung smoking area ) dahil yun ang mismong katabi ng training room at kulang ang 15 minutes para magliwaliw kung saan-saan. Biglang may pumasok na guy, BJ ata pangalan niya. Deadma lang kami kasi kebs ko ba sa kanya. Nandun na rin sa room si Shey. Biglang may pumasok na cute guy pero siyempre hindi ko naman na-recognize na siya nga iyon. Nang nagsisimula nang magbalikan sa training room ang mga co-trainees ko, doon ko lang napagtantong siya nga iyon. Sabay namang tawag sa akin ni Shey para ipakilala. Putting it on a role play:
Shey: Halika dito Erika may papakilala ako sa iyo
Ako: po? (painosente pa siyempre na may kasamang onting kilig)
Shey: Erika this is Rich. Rich this is Erika.
Ako: hi... (pa-shy effect)
Shey: wala man lang shake hands
*at ako ang unang nag-abot ng kamay.hahaha*
Shey(to Rich): nagyoyosi ka ba?
Rich: hindi pinapunta lang ako niya (referring to BJ)
BJ: eh di ba pinapupunta mo siya?
Shey: hindi ah. Tinanong ko lang kung andyan si Rich.
Ako (sa aking isip): Sabi ko na nga ba eh..
Ako: Shey, balik na ako sa room. Rich, nice meeting you.
Shey(habang papaalis na ako): and this is BJ nga pala...
Ako: *taingang-kawali at balik sa room*
Pagkapasok na pagkapasok ko ng room, di ko maiwasang magtatalon sa kilig. very childish noh? Pero di ko talagama-contain ang aking kilig moment. But, I wasn't really prepared for that.
Oh well, nakakakilig pero hanggang doon na lang I guess. Wala naman akong balak na career-in siya or what. ehehe. oh life.. wala lang yun lang. sharing.
Di ako makakatulog kapag di ko ito naisulat. hayness...

Monday, March 24, 2008
My day starts later this night
For now, I need to catch more sleep.
Hope this week will be a better week for all of us. God bless sa mga may finals. :-D

Saturday, March 22, 2008
So Black this Saturday Was and Will Be
Before that:
hehehe. Ang cute lang talaga, magkagusto from a far. Yung tipong wala kang balak at wala rin siyang balak i-pursue ang inyong love story (duh! may asawa na siya at may boyfriend ako). Yung tipong ite-treasure mo yung bawat encounter mo sa kanya.
1. nagpatulong akong magnavigate nung program. Instead hawiin niya yung kamay ko sa mouse, pinatong na lang niya yung kamay niya tapos minove yung mouse. Di lang mouse ang namove, puso ko ay tumalon sa kilig. Pero nahiya naman ako kaya kusa ko nalang tinanggal yung kamay ko.
2. sinandalan niya for 3 seconds ang likod ko kasi magkatalikuran kami during "lunch" (madaling araw ito nangyari) eh.Nagkataong walang sandalan yung upuan. Kaya yun.
3. hinaplos niya ang buhok ko. isang stroke nga lang. Kasi nga kulot ako di ba? pagkapasok ko sa elevator, siya yung nasa likuran ko habang nakaharap ako sa pintuan. Eh biglang may humaplos sa buhok ko. Nakita ko pababa na yung kamay niya habang hinahawakan na rin ng Kathy. Oh well. Baka guni-guni ko lang ito.
So much for the fun part.
I started having this trauma: fear to have really really close friends. Siguro dahil na rin sa mga nangyayari lately. Takot kasi akong ma-left out ulit lalo na kung very exclusive ng friendship. I just noticed now, that I'm starting to distance away from my work cliques. Tamang pakikisama lang sa lahat.Ayoko rin kasing makulong sa kanila eh.
Baka mamaya, magsisimula na akong magmove out. Grabe, mahirap ito para sa akin. Pero I have to stay strong. This decision is not only good for me but what I think will be good for everyone. I cannot say that the friendship is as deep as before. But at least, trying to preserve what is still remained intact. Kumbaga, lessening the damage. I don't want to make things worse by acting everything's alright because it's not.
Got to go to sleep. Para paghandaan ang mga paparating na maemosyonal na araw.
Ngayon, ang Panginoon ay nahihimlay mula sa kama ng kamatayan. Ako naman ay mahihimlay sa aking kama. Sana pagmulat ko at sa pagkabuhay ni Kristo, mas handa na akong suungin ang mga pagsubok ng buhay. :D

Friday, March 21, 2008
Blogging in the Morning
Though, hindi naging productive ang araw na ito. Daming nakakatawang nangyari.Isa na ito nung pauwi ako.
Pagkababang pagkababa ko ng elevator at pagkalabas na pagkalabas ko ng building, naghintay na ako ng masasakyan. Nandun nag-aabang na rin si HD. Ako pa-junction, siya pa-angono. Yung iba naming kasama, nagtakbuhan para sa libreng shuttle.hehehe.
Habang naghihintay kami, dumating si Rico. At tamang tama may paparating na fx na pa-junction. Syempre pinara ko agad dahil na rin sa traumatic late ko dulot ng Alay-lakad na sinalihan ng mga party people (eg. backless, tube, kuntodo make up, micro miniskirt), emo (eg.naka-itim, nakahawi ang buhok sa isang side, naka-eyeliner), dancers/rappers (eg. naka-sando na fitted o baggy clothes, naka-cap, nakataas yung isang side ng pantalon) at siyempre ng mga deboto (eg. nagstastand-out sila dahil may gimik silang ginagawa yung tipong nakapaa, paluhod na naglalakad, o iba lang talaga porma nila sa mga nabanggit ko sa itaas.)Going back...
Napagtanto kong walang sakay yung fx at naging motto ko na sa buhay ang, "Huwag sumakay nang mag-isa, kung ayaw magahasa." (No offense sa mga drivers talagang paranoid lang ako. Pa-v pa ika nga nila.hehehe) Kaya naman nawindang ako dahil ayoko sumakay na. Kaso etong si HD at Rico, pinagpipilitang sumakay na ako. Ako naman todo bilin na kunin nila yung plate number kaya sumakay na rin ako kasi may witness na ako sa kaso kong rape with murder. Pagkasakay na pagkasakay, bungad ng driver:
Driver: Miss, hubad!
hehehe. Joke lang. Ang sabi niya talaga...
Driver: Uy, nahiya ka pang sumakay ah.
Ako: (sa isip ko: weh. feeling close) *plastic na ngiti* hehe. di naman po
Tapos nun, nag-usap kami tungkol sa Alay-lakad, traffic, byahe at suweldo. Hanggang unti-unti na ring dumarami ang sakay. May isang lalaking pinara yung fx at pagkatapos magmunimuni ay naisipang umupo sa tabi ko sa harap.
Driver (nang pabulong): Mukhang type ka niya oh.
Ako: Kayo, manong, nangiissue kayo ha.
Driver: Hindi, may mga ganyan talagang love story. Yung magkakakilala lang sa fx tapos magkakamabutihan.
*Ako naman, pangiti-ngiti habang umiiling at iniisip na may mga ganun pang nalalaman itong si manong*
Driver (patungkol sa lalaki): Oh, kunin mo na yung number niya. Magkuhaan na kayo ng cellphone number.
*pangiti-ngiti habang umiiling ulit ako. yung lalaki, ngumiti lang*
Driver: Mahina pala ito.Nga pala, ako si Ferdie *sabay abot ng kamay sa akin*
Ako: Ako naman po si Ekai.
Driver: oh kayo naman, magpakilala kayo sa isa't isa.
Kami: *deadma*
hay... Kawindang talaga si Manong Driver. Parang nakahithit ng racumin. Binuhay nya ang pagod na pagod ko nang isip at katawan.
Oh sige't kailangan ko na pong matulog. G'mornight.:-D

Tuesday, March 18, 2008
Some Random Events In My Life
Dahil sa pang-aasar ng aking mga new found friends na kailangan ko raw maggym, natuloy ang aming yayaan. Winner talaga yung trainer dun sa gym eh, pinagod niya kami. Kaya ngayon medyo masakit yung katawan ko. Siguro nabigla lang ako. Sabi ko nga sa kanya, dapat after three months firm na braso ko at may maganda na akong abs. hahaha. Sana ay matupad ang 3 times a week naming planong maggym.hehehe.
****
Kahit na hindi naging gaanong madali ang mga nakaraang buwan sa akin, naging maganda naman ang pasok ng taong ito para sa buong pamily. Sabi nga ng kuya, bakit ganun kung kailan daw ang sablay ko, parang okay ang lahat (well, actually di yun exactly yung sinabi nya pero parang ganun yung thought) na sinang-ayunan ko naman pero medyo alangan ako sa salitang "sablay." Masyado kaming maraming plano para sa mga darating na buwan. Maraming mangingibang-bansa. Si kuya bai, nasa Subic na nagtatrabaho. Si doodz naman magtatransfer ng school para makuha nya yung gusto nyang course. Si mama't babes aalis ng bansa para magbakasyon. At ako, eto masaya at kuntento naman sa aking pinagkakaabalahan.Hehe.
***
Dapat sa Casa ako this week. (pasensya na housemates!) Kaya lang hindi ako nakalaba nung Sunday kaya uwi muna ako. Dapat ngayon ako pupunta, kaya lang pagod galing gym. Bukas sana makadaan po ako dyan. hehehe. Miss you housemates!!
***
Malapit na akong magkabagong cellphone!! Let's keep our fingers crossed!! :D
***
Sana bago ako magbirthday, mabili ko na ang aking kotse. hehe. yun lang. (ambisosya ba??) Kaya yan. :D

Subscribe to:
Posts (Atom)