Tuesday, April 24, 2007
Ang pagbabago ng larawan
Sunday, April 22, 2007
Ingat ka, Ruby!Paalam..
Ingat ka, Ruby!Paalam..
Lately, napapagod ako dahil hindi ko naba-budget nang maayos ang oras ko. Wala akong panahon para magpahinga. Punta dito, basa ng ganito, tawag kay ganyan tapos gawa ng ganun. Parang walang panahon para sa aking gawain dati. Masaya naman akong ganito pero sana huwag lang dumating yung panahon na mapagod ako at magsnap. Bumaril ng mga mag-aaral sa Ateneo at magpakamatay na rin, eventually. Sabi nga nung executive kong si Nicole, it's all about one's mindset. Kaya, KAYA KO ITO. OO, MAHIRAP pero gagawin ko ang lahat para MATUPAD ko ang aking mga PANGARAP.
Kanina pag gising ko, may mensahe sa aking cellphone. Galing chika account ng isang kulasa. Sabi nya dun, namatay na raw si Ruby Dungog, last week, dahil sa komplikasyon sa ovary. Shock pa rin ako hanggang ngayon. Kaklase ko si Ruby nung 1st at 4th year. Tapos naging english thesismate ko pa siya together with Joana Mendoza. Naalala ko pa dati, medyo naiinis ako sa kanya dahil may pagka-freeloader kasi siya. Pero eventually, naging malapit din kami kahit papaano dahil sa grouping na ito. Nung isang araw, nakita ko yung ginawa niyang nametag para sa akin para sa defense namin. Nakakalungkot talaga. Kapag naiisip ko yung Ruby na nakasalamuha ko, hindi ko lubos maisip kong anong magiging hitsura niya nang walang buhay.
Grabe, ganun kalupit at kabigla magtwist ang kapalaran. Unpredictable. Napakaikli ng buhay para sayangin ko lang kakahinayang sa mga bagay na hindi ko nakamit. Para sa mga bagong inspirasyong gaya ni Ruby, Kakayanin ko ito.
Ruby, hindi ko alam kung may net ba sa pupuntahan mo pero kung sakaling meron at naisip mong magbloghopping, sana madaanan mo itong blog ko. Ingat ka dyan. Salamat sa mga pinagsamahan. Alam kong hindi naman tayo talaga naging malapit pero ngayong araw na ito, ibang klaseng pagmumulat ang nadulot mo sa akin. Hindi kita makakalimutan, promise.
Thursday, April 19, 2007
Takut aku
Takut aku!
Maraming nag-aakalang isa akong matatag na nilalang—isang taong kahit ingudngud mo sa putikan ng problema at kaladkarin mo sa tinik ng kalbaryo ay tatayo pa rin at ngingiti. Siguro ganun ako ka-plastic para magawa iyon pero hindi talaga ako ganun.
Nung mga nakaraang linggo, naisip ko nang wakasan ang aking buhay. Yun lang ang naisip ko kasing solusyon. Nawalan ako ng scholarship. Ang saklap di ba? Sasabayan pa iyon ng mga pangungulit ng mga tao para sa iba pang nakabimbin mong responsibilidad. Wala akong balak takasan ang mga iyon (pero inaamin kong naiisip ko nang wakasan mismo ang mga responsibilidad na iyon) nagkataon lamang na nararamdaman kong buhat-buhat ko sa aking likod ang lahat ng problema sa mundo. Kaya para sa mga taong bumaba ang tingin sa akin at nabigo ko sila, pasensya. Ganun ako ka-depress.
In fairness sa mga nagpapakamatay, hindi sa ipinagtatanggol ko sila at kinukunsinte ang kanilang kamalian, may pinaghuhugutan silang malamin na problema. Madaling sabihing "yun lang?!kaya sila papakakamatay?!" yun lang?! naririnig mo ba ang sarili mong tinatanong ito sa kanila? Eh kung ganun nga, ikaw kaya ang magdala ng problema nila. Ikaw kaya ang ma-rape, ma-bankrupt, magoyo ng asawa o magkaroon ng identity crisis? Hindi madali iyon lalo na kung nararamdaman mo pang nag-iisa ka.
Kung nagpakamatay ako, marami akong mamimiss. Hindi ko malalamang tuloy ang winning streak (anim na beses na! Yehey!) nang nanalo na naman ang Matanglawin Second Issue sa Gawad Ernesto Rodriguez, Jr ng BEST Magazine. Hindi ko magiging guro si Dr. Soledad Reyes at makakasama si Rb araw-araw.yihee. Hindi ko malalamang kaya ko palang lagpasan ang mga pagsubok na iyon nang taas-noo. Hindi ko malalamang mahal pala talaga ako ng Diyos.
Marami akong dahilan kung bakit hindi ko itinuloy yun. Una, marami akong responsibilidad. May ganito akong posisyon sa ganitong organisasyon at ganun naman sa isa. Pati na rin sa aking mga kapamilya at mga taong nakapaligid sa akin. Pangalawa, wala akong oras. Abala ako sa pagpunta sa kung saan-saan at pag-iisip sa mga bagay-bagay. At ngayong may part-time job ako. Pangatlo, ayaw kong iwan ang mga taong nagpapalakas sa aking loob dahil alam kong mabibigo at masasaktan ko sila kapag nangyari yun. Huli, wala kasi akong karapatan.
Sino ako para wakasan ang buhay ko habang may tao ang halos dasalan na lahat ng santo sa langit para lang madagdagan ang kahit isang araw ang kanilang buhay? Sino ako para magpakamatay dahil nawalan ako ng scholarship na kung tutuusin ay wala sa kalingkingan ng ipinag-aalala ng isang nanay na hindi alam kung saan kukunin ang ipambibili ng gatas sa ngumangawa niyang anak? Sino ako para isiping pagtapos na ang buhay ko ay tapos na rin ang kalbaryo ng ibang malapit sa akin? Pamumugtuin ko ang kanilang mga mata (assuming na maiiyak sila) at iiwanan ng masasayang alaala para malungkot lang dahil habambuhay na nila akong hindi makikita? Sino ako para isiping akin ang buhay na ito? Shucks.
Sa mga panahong naisip kong magpakamatay, nakalimutan kong isiping nandyan si God… Grabeng galing ni God. Nang malaman kong bagsak ako, naisip kong magpart-time job. Habang iniisip ko iyon, tumunog ang telepono. Isang offer ng trabaho ang aking natanggap. Alam kong si God ang may pakana nito. Astig talaga Siya. Oo,takot pa rin ako dahil mahina ako. Pero andyan si Lord. Promise di ka Niya pababayaan. Nung sobrang sablay ng buhay ko, hindi ko inaakalang kaya pang gumanda ng buhay ko. Pero eto ulit ako, masaya at nangangarap. Magagawa ko pa ba ang mga ito kung patay na ako? Winner talaga si Lord. Swear.
Thursday, April 05, 2007
Twist of Fate Nga naman
Twist of Fate Nga naman
Hahaha. Nung nakaraang linggo, patay na patay ako sa isang lalaki at bigla na lang nagbago nang may nangyari. Todo iyak naman ako after. Tapos all these times, may isang tao na laging andyan para pakinggan lahat ng problema ko sa puso. Pagtyagaan akong samahan sa aking mga kaguluhan at saluhin ako sa lahat ng aking kasablayan. Marahil, iniisip nang marami na ginagamit ko lang siyang panakip-butas sa lahat ng aking kasawian, sinasamantala ko ang kanyang kabaitan at pagtiyagaan siya dahil siya lang ang andyan. Isipin nyo na ang gusto niyong isipin. Wala akong kebs. Basta, malinaw sa akin kung ano nga ba ang nangyayari sa aming dalawa.
Ang bilis ng pangyayari talaga. Kapag naiisip ko nga siya, natatawa ako. Ang bilis talaga pero masaya ako dahil nangyari ito lahat. Hahaha. Natatakot ako na baka mamaya ay nagpapakashonga-shonga na naman ako. Pero, sinabi naman niyang mahal niya ako at iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Yung lalaking tinutukoy ko, siya si Rb.
Tuesday, April 03, 2007
Sana dalawa ang gender ko
Sana dalawa ang ARI ko…
Disclaimer: puro kalaswaan ito kaya alam kong hindi kita mapipigilang basahin ito. Kung anuman ang mga sinabi ko rito ay maaring bunga lamang ng aking emosyon o malikot na pag-iisip. Baka maiba na ang tingin mo sa akin…nasa sa iyo iyan.
Hello blog!
Kumusta ka naman? Alam kong sa bawat titik na inilalagay ko sa iyo ay isang pagtataya—pagtatayang maaaring mabasa ito ng iba. Malaman nila ang mga iniisip ko ukol sa buhay. Blog, salamat sa pagiging nandyan mo. Sorry kung ginagamit kita para ilabas ang mga emosyon ko. Minsan gusto kitang punuin ng mga pagnanasa at kalibugan—mga kawalanghiyaang minsan ay nagpapadilim ng aking isip. Madalas, binubuhusan kita ng kalungkutan, kaguluhan at kasiyahan. Blog, ikaw ay ako rin at kung anuman ang sinasabi ko, ako't ako din yun PERO hindi lamang ako ikaw.
Oo, kuwentong barbera pa rin. Ako ang barbera at ikaw ang aking kuwento. Patuloy akong gugupit ng mga hibla ng karanasan at magtitirintas ng mga kaisipan at mga nararamdaman. Pocha.
Bigla kong naalala yung isa sa mga tulang tungkol sa pagmamahal na ginawa ko noon pa, na nagtatapos ng, "…kaso lang babae ka at babae rin ako." Naalala ko ito dahil nung isang araw, napaggitnaan ako ng dalawang pares ng lesbian lovers sa dyip. Gusto ko silang intindihin. Gusto kong lawakan ang aking pag-iisip. Wala akong karapatang husgahan sila. Yan ang trip nila. Parang ako, trip ko magyosi. Sira ang baga ko. Posibleng magkaroon din ako ng mabahong hininga at lung cancer.
Eh sila? Tanginang, babae sa babae yan. Alam natin kung saan ipapasok, pero anong ipapasok nila daliri o yung mga tinitinda sa may overpass malapit sa Raon? Ilang posisyon ang kaya nilang gawin? Ano ang gagawin nila kapag may isa sa kanilang gusto nang mabuntis? Magdarasal sa patron ng Ubando na pababain si Mama Mary at bigyan sila ng tips para sa isang divine intervention?Huwat?
Hindi naman kasi ito usapan lang ng paano sila magtatalik eh. Kung meron man akong hinahangaan sa kanilang dalawang pares ay ang kanilang kakayahan panindigan ang anumang kanilang pinasok. Mapagmatyag at mapanghusga ang ating lipunan sa mga ganyang klaseng relasyon; pero sila lingkisan lang to the max. Wala nang kebs sa iisipin ng iba dahil ang importante ay kung ano ang mahalaga sa kanila at iyon ang isa't isa.
Oo na, nakakahanga na! At habang nakaupo sa mundo kong iyon na tila abnormal ang maging babaeng walang kahit anong twist, maraming katanungan ang gumugulo sa aking isip. Alam ba ito ng mga kapamilya nila? Alam ba ng mga kaibigan, kaklase o kalaro nila? Eh ni Manong Guard o kahit ni Dr. Love? Nagchuchukchakan din kaya sila sa anino ng panonood ng sine? Malakas ba ang loob nila dahil wala silang kakilala sa loob ng dyip na kahit na sila ay maglaplapan at maskandalo ang lahat ay ayos lang? At kahit hiritan ko sila ng, "get a room" ang sasabihin lang ng isa sa akin ay "get a lesbian lover" at mapagtatanto kong may punto siya. Nganaman. Inggitera pa ako ngayon.
Ang mga ganitong klaseng pagmamahal? Oo, inuusig. Pero ang pagmamahal ay isang desisyon at kung anuman ang desisyong ginagawa mo, subukin mong sagutin ang mga tanong na ito (ayon nga sa asignatura kong Pilosopiya):
Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay alang-alang sa desisyong iyan?
Kaya mo bang mabuhay kaakibat ng ginawa mong pagpapasya?
Kaya mo bang mapanindigan iyan sas harap ng Diyos?
Halimbawa ang aking pagsisigarilyo. Unang tanong, OO. Pangalawa, OO. Pangatlo, uhmmm… ah eh pass? Magiguilty ako nang sobra, malamang. At dahil dito, alam ko sa aking sarili na may mali sa desisyon ko. All or nothing ito. Hindi tulad ng quiz na mamali ka sa isa, deduction lang mula sa perfect score. Hindi kasi ito quantifiable. Hindi talaga.
Nagkaroon din ng pagkakataong nagkagusto rin ako sa kapwa babae, kaya hindi talaga sobrang malaking dagok ang pagkakaipit ko sa sitwasyong iyon pero naisip kong kahibangan siya dahil paano kung isang araw ay magkatagpo ang aming landas pagkatapos magkaroon ng kanya-kanyang pamilya? Paano ko siya ipakikilala sa mga anak ko? Anak si Tita Yayoh niyo, ex ko. Ipanalangin mo na lamang simula ngayon ay magiging katanggap-tanggap na ito sa lipunan sa panahong may-asawa ka na…
Ano nga pala ang magiging papel niya sa buhay ko pagkatapos ng lahat dahil alam kong hindi talaga kami magniniig bilang isa? Siguro, bastos na bastos ka na noh? Sandali na lang naman. Pa-climax na eh.
Isa sa mga magagandang termino sa wikang Filipino ay ang salitang ARI. May pag-angkin. Ang keps ng babae at etits ng lalaki ay tinatawag na ARI. Ako ay may ARI. Akin lamang ang ARI ko. Hindi ba kasakiman pa ang paghangad ng isa pa? Kapalaran mo ang magkaroon ng ganyang ARI. Sana maintindihan kita. Sana…