Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng Philo 104, ang dami na namang bagong kaisipang umusbong sa aking kamalayan. wenk. Isa sa magandang paalala sa akin ay ang konsepto ng kasiyahan.
Madalas ang kasiyahan ay naiuugnay sa tawanan. Masaya. Fun fun. Maraming manok. (inside Mata Evsem joke, sorry) Yung tipong parang sumasayaw ka ng theme song ng Sinabawang Gulay o kaya sumasabay sa pagkanta ng Keri ni Kim Chu (na ayon kay Sir Ice at blockmates ko ay may mga kapatid na sina Pika at Rai). Yung kasiyahan na tipong black and white yung paligid mo pero habang dumaraan ka ay unti-unting nagkakulay ang paligid gaya ng patalastas dati ng NIPS. Yung sasakit yung tiyan mo at mapapagod yung bibig mo. Heaven ang pakiramdam.
Napagtanto ko, ang kasiyahan pala ay makakamtan din sa malulungkot at masasakit na karanasan. Hindi ito pagiging masokista ah. Kasi ang mga masokista –pleasure ang hanap nila. Panandaliang aliw. Ang kasiyahan ay hindi ang pagtawa. Hindi ang pagngiti. Hindi lamang kapag nakatulong ka o di kaya kapag nakahithit ng juts. Ang kasiyahan ay ang pagiging tapat sa sarili mo. Ang kasiyahan ay ang pakiramdam ng pagiging buo mo. Walang labis, walang kulang. At huli, ang kasiyahan ay hindi one-time big-time. At ang kasiyahan ay yung naaangkop sa iyo.
Marami pang katanungan ang bumabagabag sa akin tungkol dito? Pero masarap lang ding isiping may kasiyahan sa lahat at hindi nakasalalay sa iisang pangyayari sa buhay mo. Basta nararamdaman mong ikaw ay kumpleto, tunay nga itong kasiyahan.
---So much for a philosophical chorva---
Eto, laugh trip talaga.
Nung Wednesday, may CIE 122 ako, Database Programming. Kaya sa CTC 219 ang room namin. 4:30-7:30 yung class ko nun. Paiba-iba ito depende sa amin at sa trip ng Prof ko. Kaso lang nakapagset na ako ng meeting ng 4:30-5:30 kaya nagpa-late ako sa klase na yun. Eh ang parusa ay kakanta sa harap. Kumusta naman yun. Kung nakapunta na kayo sa room na iyon, may banyo light sa tapat ng platform nun. Yung ilaw na yun, puwede pang i-adjust yung luminosity. Kaya puwede kang kumanta ng careless whisper habang may sumasayaw sa tapat nun.
Since hinihintay pa naming matapos mag-install yung PC, naisipan nilang pakantahin muna ako. So nakatapat ako sa spotlight habang nakapatay lahat ng ilaw sa buong kuwarto. Pagkatapos ng mahabang diskusyon kung anong kakantahin ko at ilang pumalyang pagtatangkang kantahin ang "Now that I have You" at "Stupid Love," nauwi ako sa pagkanta (mas angkop sigurong sabihing pagtula nang may tono) ng "Harana" na buong puso't kaluluwa kong iniaalay kay David. Pagkatapos makaraos, muli akong bumalik sa aking upuan.
Pag-upo ko, lalong umalingasaw ang amoy na parang may nasusunog. Marami teoryang nagsulputan.
Teorya#1: galing sa LCD Projector ang amoy. Pero sabi ni Sir, huwag kaming matakot dahil hindi ito mapanganib. Para sa amin dahil siya naman ang sasabugan nun kasi siya ang pinakamalapit.
Teorya#2: galing sa akin ang amoy. Dahil nung pumasok daw ako sa kuwarto, bigla na lang nagkaroon ng ganung amoy. Buti na lang ay pinagtanggol ako ni Sir. Ang sabi niya ay taktika lang nilang lahat yun para may excuse silang makalapit at maamoy ako. Hahaha.
Teorya#3 at paborito ko: Ang popular na teorya ni Konde. Amoy-white rat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha kung bakit naging amoy-daga ang amoy-sunog. Ang matindi pa nito, hindi basta-basta daga. Dagang costa. Haha. Ang malupet eh yung pagsabi niya nung kanyang teorya kasi parang walang pagdududa.
Pagkatapos ng diskusyon sa amoy-sunog at pagkanta ng sinabawang gulay (na mukhang balak gawing Class Anthem) ay nagsimula na kami sa aming lecture. Dahil tinatamad kaming magsulat, naisipan ni Don na i-video na lang ang lecture ni Sir. Pagkalipas ng mga 20 minuto ng dibdibang pag-uusap tungkol sa SQL, napansin ni Sir na umaapoy na ang AVR. At dito nagsimula ang laugh trip.
Siyempre, panic ang lahat. Sabi ni Sir, "Bunutin nyo. Bunutin nyo." Akalain mong sa aming sampu (at tanging ako lamang ang babae), walang sumunod sa utos niya. Lahat kami, lumayo sa nasusunog na AVR. Siyempre, no choice si Sir. Binunot niya ang saksakan. Sa taranta na rin, mali yung una niyang nabunot. Si Don naman, patuloy sa pagkuha ng video. (Kung malayo yung itsura nung nasusunog, alam nyo na kung bakit. Hahaha) Ako naman, dinampot ko ang aking bag kung nasaan si Tinker. Ang iniisip ko nun talaga, "Pocha! Aalis na ako dito!" Wala nang pag-iisip kung kumusta naman ang aking mga blockmates o kaya kung kukunin ko ba ang fire extinguisher. Sa awa naman ng Diyos at ng AVR, nadala ito ng prof ko sa labas ng kuwarto at umalingasaw na sa dulong bahagi ng 2nd floor ng CTC wing ang amoy nitong nakaagaw pa ng pansin sa aming department chair na si Sir Nat at sana pati na rin ng smoke detector, pero hindi eh.
Obvious namang naantala ang klase namin. Nagkuwentuhan pa kami ng aming personal accounts sa nangyari. Yung parang sa balita sa TV. Tapos asaran lalo na sa kanila dahil saksakan sila ng tapang at giting. Iniisip ko pa rin ngayon kung tama bang narinig ko yung isa kong blockmate na nagsabi ng "Mommy ko" nung nagkakagulo na o guni-guni ko lang. Haha.
Mga natutunan ko:
- Huwag umasa sa fuse ng AVR. Yung nasunog na yun, hindi man lang nadungisan ang fuse niya.
- Huwag umasa sa blockmates kahit puro lalaki pa sila kapag nasa bingit ng kamatayan. Alam nyo na kung bakit. Haha.Peace.
- Maganda itong paraan para hindi ma-bore sa klase. Sana may ice-breaker na ganito ang mga professors.
Para sa nagbabagang aksyon, hihingi na lang ako ng kopya nung video. Posibleng naabo ang CTC (pero sa smoke detectors at sprinklers sa buong building, malabo) kung pinanghawakan naming ang aming mga teorya lalo na yung huli.